
Zangreal Pumulandit para sa Unang Putok ulat ni Kutsilyo Boy 04/06/2006
Folk
Arts Theater, Manila - Matapos ang limang nakakabaog na sagupaan, sa wakas malakas na pumulandit ang unang panalo
ng Zangreal laban sa pinapaborang Bunnies ni Palaboy sa pagpapatuloy ng JPMs Elimination Round kagabi, 159-147. Ito ang unang
panalo ng Zangreal sa anim na laban. Mapapansin sa mga sumusunod na resulta ng laro ng mga Secrets ang madalas nilang pagpapaubaya
sa unang limang laro.
Game 1 Zangreal(150) vs Steel(188) diff: -38 Game 2 Pacific (156) vs Zangreal(134) diff:
-22 Game 3 Zangreal(159) vs Extelsat(174) diff: -15 Game 4 Akeanon(176) vs Zangreal(124) diff: -52 Game 5 Zangreal(182)
vs Saiyans(204) diff: -22 Game 6 Zangreal(159) vs Bunnies(147) diff: +12
Pero hindi na ito pumayag nitong
ika-anim na laban. Matapos mapagtanto at marealize ng Zangreal na kailangan din nilang umibabaw at hindi habang panahong lagi
na lang silang nasa ilalim at nagpapaubaya, nagpakita ito ang bangis kagabi.
Pinangunahan ng dalawang kalbo ang opensa
sa loob ng Zangreal na si Ali Peek (35 pts) at Mick Pennisi(23 pts) samantalang malalayo at malalalim na pukol ang ibinaon
ni Lordy Tugade(21 pts)sa labas. Epektibo ang ganitong sistema ng Zangreal dahil parang beklog na kakalog-kalog ang dalawang
ulo ni Peek at Pennisi pag nagsasabay eto sa painted area...
Halos mabingi ang mga mananaya ng simulan ng dalawa ang
rally sa loob ng Folk Arts Theater.. mauulanigan ang pangalan ng dalawang kalbo na patuloy na sinisigaw ng mga fans... "Peek-Peek...
Peek-Peek... Peek-Peek... Peek-Peek..." di naman nagpadaig ang fans ni Pennisi at isingaw di ang pangalan nito.. "Pennis..
Pennis...Pennis.. Pennis".. Halos mabuwang at maulol ang mga manonood ng halin-hinang isigaw ang pangalan ng dalawa..
"Peek-Peek... Pennis... Peek-Peek... Pennis".. akala tuloy ng marami ay may torohang nagaganap sa folk arts.. natigil
lamang ito ng merong umutot ng malakas at namatay ang ilaw sa buong folk arts.. at ng magkailaw ay lamang na ang Zangreal..
ng ohhh ten?
"With Peek and Pennisi initiating an attack inside and Lordy's Buko Pie superb outside shooting, we
have indeed acquired a superiority in position against Bunnies' Asi, Peņa and Hontiveros... isa pa sa nagpanalo sa amin ay
yong battle cry namin na pina-memorize ko sa kanila a day before this game na Attack the board at All Cost!!!"
masayang wika ni Coach Zang habang nagpapakulot...at nakikinig ng lumang news
Samantala ayon sa ulat ni Michael Fajuten
"Igan pasado alas otso ng tahimik na magdisperse ang mga rallyista sa MangSebastian ngunit matapos ang ilang negosasyon,
ito'y matapos na nagdisperse sila, pagkatapos nito, aahh hindi na sila nag-away,.. nag-away sila sa simula, pagkatapos nito
ay nagkaroon sila ng pag-aaway sa simula..." huh?!?!
Sa ngayon ay pinaghahandaan ng Zangreal ang pinananabikang
game seven against Nuke Team... ang team na walang katulad na merong Nyok sa simula at Nyok sa huli samakatuwid ay Nyok! Nyok!
Nyok! "Matagal ko ng hinihintay na magkaharap kami ng Nuke Team, I never felt this good..excited na ako" dagdag ni
Zang ng aming kapanayamin habang naglalaba.
|