MyPBA All-Filipino Cup Fantasy League 2006

Living Puppets Kumalawit, Chocolates Dinugo, 159-153 !!!
Home
Excel Game Results
News
Results & Schedules
Rules & Guidelines
Team Rosters/Logos
Team Owner Profiles
Transactions
Draft Results
Free Agents
Players List
Top FL Players
Favorite Links
Team Standings
Team Statistics

livingpuppetslogo11.jpg

chocosfish.jpg

Living Puppets Kumalawit, Chocolates Dinugo, 159-153 !!!
ulat ni Kutsilyo boy 04/08/2006

Star City, CCP Complex, Pasay City - "Like most typical underdog sort of tale, the Puppets are characterized by fierce energy, aiming to make a name of its own. Our subtle strategy is to bring a great deal of pressure to the Chocolates' playmaker Topex Robinson.. " eto ang tugon ni Coach Jerkins ng kumustahin namin sa kanya si Liamrebeka, ang muse ng Living Puppets, matapos nitong paduguin ang ilong ng chocolate Starfish sa makapigil-utot na labanan sa Star City. Naitala ng Living Puppets ang ikatalong panalo sa anim na laban (3-3) upang manatili ang pag-asang makarating sa National Mental Finals.

Pinagbidahan ni Ali Peek(35) at James Yap(31) ang opensa ng Puppets. Katulong Si Mike Holper(27) na nagpakitang gilas naman sa harap ng humigit kumulang sa sampung libong kasambahay. Naging mahigpitan ang labanan mula umpisa hanggang sa huli. Palitan ng pukol, Palitan ng atake, Palitan ng mukha, siko, braso, hanggang sa palitan ng dura.

Maliban kay Vic Pablo na nangitlog sa bench ng Puppets gawa ng pananamlay nito at pag-ubo sa dakong hapon at gabi ang temperatura ay nanatili sa 36 degrees Celsius ma may kalat-kalat na pag-ulan, pag-kulog at pag-kidlat bunga ng hanging amihang binubuga galing sa bunganga ng bulkan ni Keanna Reeves.

Sa Chocolates camp naman ay kapansin-pansin ang lungkot sa mukha ni Duremdes, wala itong nagawa sa desisyon ng Management na purgahin siya at panatilihing nakaupo sa bench habang hindi pa lumalabas ang mga bulate sa kanyang katawan."Wala ng makitang asim at tamis sa laro ni Duremdes.. mas mabuti pang magpaitlog ng native na manok... kesa magantabay sa ipapakita ni Kenneth.. ang tangi niyang naipakita nitong mga huling laro ay ang kanyang lambi na may nakasulat na I shall return" ani kingsville habang walang kurap na nakatingin sa ulap...

Sabay kanta ng " Awit na nananawagan Baka sakaling napakikinggan. pag ibig na palaisipan sa kanta na lang idaraan, Nag-aabang sa langit.. Sa mga ulap sumisilip.. Sa likod ng mga tala.. kahit sulyap lang darna....!!! "

MyPBA Forum's very own Fantasy League Web Site

For more info, click this link to visit the MyPBA Forum